Mga karangalan ni ferdinand marcos biography

Talambuhay ni Ferdinand Marcos, Diktador ng Pilipinas …!

Ferdinand Marcos

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Sr. (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay isang politiko, abogado, diktador,[1][2][3][4] na naging ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986.

Siya ay nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino.

President Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Sr. - FamilySearch.org

Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino.

Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagm